Ang
parietal na lobo (Ingles:
parietal lobe) ang bahagi ng
utak na nakaposisyon sa itaas(superior) sa
lobong oksipital at likod(posterior) sa
harapang lobo. Ang parietal na lobo ay nagsasama ng mga pandamang impormasyon mula sa iba't ibang pandamang modalidad partikular ang pagtukoy sa pandamang pang-espasyo at nabigasyon. Halimbawa, ito ay binubo ng somatosensoryang korteks at dorsal stream ng
sistemang biswal(paningin). Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa mga rehiyon ng parietal korteks upang imapa ang mga bagay na natanto sa mga posisyong
koordinato ng katawan.