parmakolohiya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Parmakolohiya
Ang parmakolohiya ay isang sangay ng panggagamot at isang agham na tumatalakay sa mga gamot kabilang ang mga epekto, gamit, mga timpla, sangkap o komposisyon ng mga ito. Tinatawag na parmakologo o parmakolohista ang mga dalubhasa sa larangang ito. Tinaguriang botika, parmasiya, o parmasya ang tindahan o pook na pinaghahandaan ng mga gamot. Ginagawa rin sa tindahan ng gamot ang paghahanda, pagtitimpla at paglulunas sa pamamagitan ng mga gamot. Tinatawag namang botikaryo, parmasyotiko, parmasyotika, o parmasyotista ang mga taong dalubhasang naghahanapbuhay sa isang botika at may kasanayan sa tamang pagtitimpla ng mga gamot.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.