Ang pastelerya (Ingles: pastry) ay isang pangalan na ibinibigay sa sari-saring mga uri ng mga produktong hinurno na yari mula sa sangkap na katulad ng harina, asukal, gatas, mantikilya, pampalutong (o mantika), pampaalsa, at/o mga itlog. Ang maliliit na mga keyk, mga tart, at iba pang matatamis na mga produktong hinurno ay tinatawag na mga "pastelerya".