patutot


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Patutot
Ang patutot (Ingles: whore, harlot, hooker, "entertainer," prostitute) ay isang salitang may hindi mainam na kahulugan. Tumutukoy ito sa isang babae, maaari ring lalaki, na binabayaran o nagpapabayad para sa kapalit na serbisyong may kaugnayan sa pakikipagtalik at seksuwalidad ng mga tao. Kasingkahulugan ito ng prostituta (partikular para sa isang babaeng patutot), prosti (pinaikling bersyon ng prostituta), masamang babae, babaeng bayaran, masamang lalaki, at lalaking bayaran. Binabansagang din silang kalapating mababa ang lipad, puta (mula sa Kastila), at ng mga salitang balbal na kokak, burikit, burikat, japayuki, GRO, at donut [bigkas: do-nat]. Tumutukoy ang "burikit" sa isang patutot na naghahanap-buhay sa mga bahay-aliwan, bar, klab, bahay-diskuhan, at iba pang aliwang panggabi. Nagmula ang salitang "donut" mula sa Ingles na doughnut. Isang walang-paggalang na katawagan naman ang "japayuki" (bigkas: dya-pa-yu-ki) para sa isang Pilipinang nagtatrabaho bilang tagapagbigay ng saya o panandaliang aliw, sumasayaw at kumakanta habang nasa Hapon. Nag-ugat naman ang GRO o G.R.O. mula sa Ingles na guest relations officer o guest services officer, isang "tagapagpasinaya" ng mga "bisita" o hostes. Dinaglat ito upang maging isang magalang at nagpapahiwatig na katawagan lamang para sa isang kilala at lantad na patutot.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.