Ang
pawis ay isang
likido na nililikha ng
balat kapag ang
katawan ay mainit. Ginagawa ito ng mga glandula ng pawis na nasa ilalim ng balat, at lumalabas ito magmula sa maliliit na mga butas na nasa loob ng balat, na tinatawag na mga butas ng balat. Karamihang
tubig ang bumubuo sa pawis, subalit naglalaman din ito ng mga
asin. Ang
katawan ay gumagawa ng pawis upang palamigin ang sarili nito. Ang pawis ang kumukuha ng init mula sa katawan kapag sumisingaw ito o sumasailalim sa proseso ng ebaporasyon (nagiging
singaw o
gas). Tumutulong din ang pawis sa pagtatanggal ng
dumi mula sa katawan.