Ang
paypay,
payumpong, o
iskapula ay ang butong nasa pinakapalikpik ng likod ng katawan. Kung minsan natatawag ding "paypay" ang
balagat, bagaman may kamalian. Tinatawag ding
omo o
talim ng balikat ang tunay na paypay (hindi ang balagat). Pinaghuhugpong o pinagdirikit ng paypay ang mga
humerus ("buto ng braso") at ang
balagat. Ito rin ang bumubuo sa panlikurang bahagi ng lantik o girdel ng balikat. Sa mga tao, isang itong pisang buto, na may pagkatatsulok ang hugis, na nakalagay sa posterolateral o panlikod na tagilirang bahagi ng kulungan o kahang torasiko