Ang
kayumangging trutsa (Ingles:
brown trout; pangalang pang-agham:
Salmo trutta, literal na "
salmong trutsa" o "trutsang salmon") ay orihinal na isang espesyeng
Europeo ng isdang salmonid. Kabilang dito ang dalisay na mga populasyong pangtubig-tabang, na tinutukoy bilang
Salmo trutta morpha
fario at
S. trutta morpha
lacustris, at mga anyong anadromoso na nakikilalang bilang
trutsang-dagat o
trutsang pangdagat (Ingles:
sea trout, pangalang pang-agham:
S. trutta morpha
trutta). Ang huli ay dumarayo sa mga
karagatan sa karamihan ng panahon ng buhay nito at nagbabalik lamang sa tubig-tabang upang magbinhi o mangitlog. Ang trutsang-dagat sa
Nagkakaisang Kaharian at
Irlanda ay mayroong maraming mga pangalang pangrehiyon kabilang na ang
sewin (Wales),
finnock (Iskotland),
peal (West Country, "Kanlurang Bansa"),
mort (Hilagang Kanlurang Ingglatera) at
white trout o "puting trutsa" (Irlanda).