Ang
mas malaking kalamnang pandibdib (Ingles:
pectoralis major muscle, Latin:
musculus pectoralis major), kilala rin bilang
higit na malaking kalamnan ng dibdib,
lalong malaking kalamnan sa dibdib, o
pangunahing kalamnang pandibdib, ay isang makapal at hugis pamaypay na
masel na nakalagak sa
dibdib (
anteryor o bahaging "nauuna" o "nasa harapan") ng
katawan. Binubuo ito ng kakapalan o kabuntunan ng mga masel ng dibdib sa kalalakihan at nakahimlay sa ilalim ng mga
suso ng kababaihan. Nasa ilalim ng mas malaking kalamnang pandibdib ang
mas maliit na kalamnang pandibdib, na isang manipis at hugis tatsulok na masel.