Ang
peret,
domestikadong peret,
domestikong peret, o
Mustela putorius furo (Ingles:
ferret,
domestic ferret; Kastila:
hurón doméstico), ay isang maliit na
mamalyang hayop mula sa pamilyang Mustelidae o mga mustelido. Ilan sa iba pang mga musetido ang may "peret" o
ferret sa kanilang mga pangalan, bagaman hindi sila magkapareho. Kahawig ito ng
pusa at may mahabang leeg. Isa itong uri ng
albinong haliging pusa o
mustela, kamag-anakan ng
mepitido, at kabahaging uri ng mga turon o Europeong turon (
Mustela putorius). Tinatawag din itong
huron,
domestikong huron, o
domestikadong huron.