Ang
perlas ay isang uri ng
hiyas na naaani mula sa ilang uri ng mga
talaba, partikular na mula sa
binga, ang makintab na panloob na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang mga ito sa loob ng kabibe ng mga talabang ito. Kalimitan itong hugis bilog at putian bagaman may nakukuha ding itiman o abuhin at ibang hugis bukod sa pagkabilog. Ginagamit ito sa paggawa ng mga alahas. May mga likas na perlas at mayroong mga sinadya o kinultura sa mga anihang pinangangasiwaan ng tao.