Ang isang
ugnayang matalik ay isang partikular na malapit na
ugnayang pangpakikipagkapwa-tao (
ugnayang interpersonal). Maaari itong pakahuluganan ng ganitong mga katangian: tumatagal na ugali ng pagsandig at pagkalinga sa isa’t isa, paulit-ulit na interaksyon o pakikipag-ugnayan, pagkakalapit ng damdamin, at pagtupad o pagganap sa pangangailangan. Malaki ang gampanin ng ugnayang matalik sa pangkalahatang karanasan ng tao. Ang mga tao ay may pandaigdigang pangangailangan na maging bahagi ng isa o maraming mga tao at umibig na napupunan kapag nabuo ang isang matalik na ugnayan. Binubuo ang mga ugnayang matalik ng mga taong nabibighani sa, na gusto natin at minamahal, ng
romansa, at
ugnayang seksuwal, at ng mga taong pinakakasalan natin at binibigyan at pinagtatanggapan ng pagtangkilik o suportang pandamdamin at personal o pansarili. Nagbibigay sa tao ang mga ugnayang matalik ng isang network o sapot na panglipunan ng mga tao na nagbibigay ng malakas na pagkakalapit na pang-emosyon at tumutupad sa ating mga pangdaigdigang mga pangangailangan ng pagiging kasali at ang pangangailangang makalinga.