perspektibo ng pagkatuto


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sikolohiyang pang-ugali
Ang sikolohiyang pang-ugali (Ingles: behaviorism, behaviourism, learning perspective), kilala rin bilang perspektibo sa pagkatuto o pananaw sa pagkatuto, kung saan ang anumang kilos o galaw ay isang ugali, ay isang pilosopiya ng sikolohiya na nakabatay sa panukala na ang lahat ng mga bagay-bagay na ginagawa ng mga organismo kasama na ang pag-arte, pag-iisip, at pagdama ay maaaring ituring at dapat na ituring bilang mga pag-uugali. Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, ang ugali ay maaaring pag-aralan nang makaagham, na hindi kailangang malaman ang pisyolohiya ng kaganapan, at nang hindi gumagamit ng mga teoriyang katulad ng sa isipan. Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, mapagmamasdan at mamamatyagan ang lahat ng mga pag-uugali.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.