peter

Found in thesaurus: member, penis, phallus

Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
San Pedro
Huwag itong ikalito kay Simon ang Cananeo. Para sa iba pa, tingnan ang Pedro (paglilinaw) at Peter (paglilinaw).
Si San Pedro o Simon Pedro (Ebreo: שמעון פטרוס, Shim‘on Petros) ang isa sa mga orihinal na labindalawang alagad o apostol ni Hesus. Itinuturing din siya sa Katolisismo bilang unang Papa. Isa siyang mangingisda na pinangalanang Pedro - o "bato" - ni Hesus. Sa kaniya rin binanggit ni Hesukristo ang mga katagang "Ikaw si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ko itatayo ang aking simbahan." Nakikilala rin siya bilang Simon lamang o kaya Kefas, Cefas o Cephas, na nangangahulugang "bato" sa wikang Arameo, at katumbas ng Griyegong Petros at ng Lating Petrus. Si San Pedro ang nagsisilbing "saligang bato" ng Simbahan o Iglesyang itinayo ni Hesukristo. Kasama ni San Pablo, isa si San Pedro sa mga patron ng Roma. Batay sa salaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya, dating ipinagkaila ni San Pedro na nakikilala niya si Hesus, subalit napasa kay Pedro ang Diyos. Sinulat ni Pedro ang dalawa sa mga aklat na napabilang sa Bagong Tipan ng Bibliya: ang Unang Sulat ni Pedro at Ikalawang Sulat ni Pedro. Sa Sulat sa mga Galata ng Bagong Tipan ng Bibliya, dinalaw ni San Pablo si San Pedro upang magbigay-galang kay Pedrong itinuturing na Puno ng Iglesya. Kay San Pedro lamang tanging ibinigay ang "mga susi ng kaharian ng langit."

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.
English-Luxembourgish DictionaryDownload this dictionary
Peter
nm - Péitrus