Ang
phallus ay isang katagang
Ingles, at kilala sa
Kastila bilang
falo, na tumutukoy sa
galit na titi, sa isang bagay na
hugis-titi o
wangis-titi na katulad ng
dildo, o isang mimetiko o ginayang imahe o larawan ng isang titing galit. Anumang bagay na sumasagisag na kahawig ng isang titi ay maaari ring tukuyin bilang isang phallus; subalit ang ganyang mga bagay ay mas kadalasang tinutukoy bilang
phallic o "parang galit na titi", katulad ng paggamit sa Ingles na
phallic symbol. Ang ganyang mga simbolo ay kadalasang kumakatawan sa mga kadamay o kasingkahulugan ng
pagkapalabuntisin o pertilidad at pangkultura na may kaugnayan sa
organong seksuwal ng
lalaki.