Ang
ehersisyo, kaugnay ng pagpapaunlad ng
kalusugan, ay ang alinmang gawaing
pangkatawan na planado, may kayarian, at inuulit-ulit upang makamit ang layunin ng
pagkukundisyon ng anumang bahagi ng
katawan. Kinakasangkapan ang ehersisyo upang mapainam ang kalusugan, mapanatili ang
kaangkupang pangkatawan, at mahalaga rin bilang paraan ng rehabilitasyon ng katawan, pati na sa rehabilitasyon ng puso. Tinatawag na
ehersisyong pangkatawan ang ehersisyo kapag isa o mga gawain itong ginagamit ang mga masel sa samu't saring mga kaparaanan upang maging nananatiling angkop o malusog ang mga ito.