Ang pigsa (Ingles: boil kapag isahan, boils kapag maramihan, furuncle, sty) ay isang uri ng impeksiyon sa balat na nagsisimula sa ugat ng isang piraso ng buhok o ugat ng piraso ng balahibo (polikula ng isang buhok). Karaniwang lumilitaw ang pigsa sa mukha, leeg, bisig, balakang, at sa talukap ng mata. Kapag ang pigsa ay nasa talukap ng mata, ito ay tinatawag na guliti (kuliti).