Ang
kathang-isip ay isang mapangathang anyo ng
salaysay, isa sa mga apat na panimulang panretorikang paraan (
rhetorical modes). Bagaman, hindi kinakailangang purong kinatha ang mga gawang kathang-isip at maaaring maglaman ng mga totoong tao, lugar, at pangyayari. Maaaring isulat o sinasalita o maaaring ipakita sa
pelikula,
teatro,
radyo o
telebisyon. Bagaman hindi ito kinakailangang masining, inuunawa ito ng karamihan bilang isang uri ng
sining o
libangan. Tinuturing na pundamental na aspeto ng
kultura ng tao ang kakayahang lumikha ng kathang-isip at ibang mga masining na gawa. Ito ang isa sa mga katangian ng pagiging tao.