pilak


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pilak
Ang pilak o plata (, Ingles: silver) ay isang metalikong elementong kimikal na may simbolong Ag (mula sa argentum ng Latin) at atomikong bilang na 47. Malambot ito, maputi, makinang o makisap, nababatak, at napupukpok na metal. Kabilang sa pag-aaring katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong timbang na 107.870, punto ng pagkatunaw na 960.8 °C, punto ng pagkulong 2,212 °C, at espesipikong grabidad na 10.50. Ito ang may pinakamataas na konduktibidad ng kuryente at init mula sa lahat ng mga elemento na kasalukuyang nadiskubre na. Dahil sa mga katangian nito, ginagamit ang pilak sa paggawa ng mga alahas, kubyertos, pampasta ng ngipin, mga barya, at mga piyesang para sa mga aparatong elektroniko.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.