pilosopiya ng pag-iisip


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pilosopiya ng isipan
Ang pilosopiya ng isipan ay ang pag-iisip na patungkol sa kung paano gumagana ang isipan at nagpapatuloy sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga bagay na nasa mundo. Nakatuon din ito sa kamalayan na sinasaliksik sa larangan ng sikolohiya at ng pisika. Samakatuwid, ang pilosopiya ng isipan ay isang sangay ng pilosopiya na nagsasagawa ng pag-aaral hinggil sa kalikasan ng isipan, mga kaganapang pang-isipan, mga tungkuling pang-isipan, mga pag-aaring katangian na pang-isipan, kamalayan at ng kaugnayan nito sa katawang pisikal, lalo na ang sa utak. Ang suliranin ng isipan at ng katawan, na ugnayan ng isipan sa katawan, ay karaniwang tinatanaw bilang isang paksang susi sa pilosopiya ng isipan, bagaman mayroong iba pang mga paksa na nakatuon sa kalikasan ng isipan na hindi kinasasangkutan ng kaugnayan nito sa katawang pisikal na katulad ng kung paanong ang kamalayan ay naging maaaring umiral o nangyayari.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.