Ang
pinsan ay isang taong itinuturing na kamag-anak, partikular na ang ugnayan o pagiging
magkadugo dahil sa pinagmulang lola, lolo, o
ninuno. Samakatuwid, magkakamag-anak o tuwiran at hindi tuwirang mga apo ito ng lolo at lola. Ito ang ugnayan o relasyon ng mga anak ng mga
magkakapatid na nagmula sa kanilang mga
magulang (
ama at
ina;
tatay at
nanay;
itay at
inay). Tinatawag na
primo (mula sa Kastila) ang
pinsang lalaki, samantalang
prima naman ang
pinsang babae.
Pinsang buo ang tawag sa ugnayan ng mga anak ng magkakapatid.
Pinsang-makalawa o
pinsang-pangalawa ang ugnayan sa pagitan ng naging mga anak ng anak ng magkapatid na mga lola, mga lolo, o mga lola't lolo. Sa mga pahina ng Bibliya, may pagkakataong ginagamit ang katagang "
kapatid" na ang tunay na ibig sabihin ay "pinsan".