Ang
klero ay ang mga namumuno sa isang uri ng pananalig o paniniwala. Kabilang sa mga ito ang mga pinuno ng simbahan, parokya, kongregasyon, moske, sinagoga, at mga katulad na sambahan: halimbawa na ang
Santo Papa, mga
pari (kaparian, kalipunan ng mga pari, o klerigo) o kura,
obispo,
arsobispo,
diyakuno, imam (sa
Islam),
rabino (sa
Hudaismo), ministro,
pastor, at maging mga
madre. Sa
Katolisismo at
Kristiyanismo, si
Hesus ang pinuno ng mga
apostol. Nang makaraan ang pamumuhay ni Hesukristo sa mundo, naging pinuno ng natitirang mga unang alagad at ng mga naging sinaunang Kristiyano sina
San Pedro at
San Pablo, ang dalawang pinakakilala sa mga pangunahing misyonerong pangkristiyanismo.