Ang
Pinyin o
Hanyu Pinyin (汉语拼音 / 漢語拼音) ay ang kasalukuyang pinakaginagamit na sistemang romanisasyong para sa Pamantayang Mandarin (标准普通话 / 標準普通話). Ang (汉语 / 漢語) ay nangangahulugang
Wikang Tsino, at ang (拼音) ay nangangahulugang "ponetiko". Kilala ang sistema sa paggamit sa Pamantayang Mandarin, at hindi ginagamit sa ibang wikang Tsino, kasama na ang sinaunang opisyal na Tsinong Guangyun (广韵 / 廣韻). Ang sistema ay ginagamit ngayon sa
Tsina,
Hong Kong,
Macau, at ilang bahagi ng
Taiwan,
Malaysia at
Singapore bilang panturo sa Wikang Mandarin at sa ibang bansa upang turuan ng Mandarin bilang ikalawang wika. Ginagamit din ito upang baybayin ang mga pangalang Tsino sa mga banyagang palimbagan at maaaring gamitin upang maipasok ang mga Tsinong karakter (
hanzi} sa kompyuter o sa
cellphones.