Ang
pisikang pampartikulo (Ingles:
particle physics) ay isang sangay ng
pisika na nag-aaral sa pag-iral at mga interaksiyon ng mga
partikulo na bumubuo sa karaniwang tinutukoy bilang
materya o
radiyasyon. Sa kasalukuyang pagkakaunawa, ang mga partikulo ay mga eksitasyon o kaguluhan (kapukawan) ng
hanay ng kwantum at interaksiyon kasunod ng kanilang dinamika. Karamihan sa pagtuon ng pansin sa pook na ito ay nasa loob ng
kahanayang saligan o
larangang saligan (mga
fundamental fields), na ang bawat isa hindi mailalarawan bilang isang katayuang nakatali (nakatakda o may hangganan) ng iba pang mga kahanayan o larangan. Ang mga larangang saligan na kasalukuyang nakataya at ang kanilang mga dinamika ay nakabuod sa isang teoriyang tinatawag bilang
Huwarang Pamantayan o
Standard Model, kaya't kung gayon ang
pisika ng partikulo, sa malawakan, ay ang pag-aaral ng nilalaman ng partikulo ng Pamantayang Huwaran (Pamantayang Modelo) at mga maaaring maging mga karugtong nito.