Ang
pisngi ay ang bahagi ng
mukha na kinabibilangan ng ilalim ng mga
mata at sa gitna ng
ilong at sa kaliwa o kanang
tainga. Malaman sa mga tao ang pisngi, na nakabitin ang balat sa pamamagitan ng
baba at ng
panga, na bumubuo sa panggilid na harang ng bibig ng tao, at kung saan makikitang nakadikit sa butong pang-pisngi sa ilalim ng mata. Sa mga
vertebrate, nagsisilbing mga mahahalagang nakapagpapakilanlang mga pananda sa gitna ng mga
espesye o
indibidwal ang mga marka sa ibabaw ng lugar ng pisngi (mga guhit, tuldok at iba pa).