Ang
salot,
peste, o
plaga ay alin mang sakit o karamdaman na nagsasanhi ng kamatayan sa mga tao. Maaari rin itong anumang bagay na nagdurulot ng maraming paghihirap o kawalan. Sa larangan ng pananampalataya, itinuturing ito bilang isang "kalamidad na inaakalang dulot ng galit ng kalangitan" o ng Diyos. Halimbawa nito ang pagkakaroon ng pananalakay ng napakaraming mapaminsalang mga
kulisap, katulad ng
tipaklong. Kasingkahulugan ito ng
epidemya at ng pagdurulot ng
masamang kalagayan sa isang nilalang, katulad ng tao, halaman o hayop. Naging kaugnay din ito, sa madiwang paraan, ng anumang
bagay na pang-asar o
pambuwisit,
panghaharas,
pagpaparusa, at
pagpapahirap. Sa medisina, ang
epidemiko ay ang mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit o ang pagkalat ng maraming mga kaso ng katulad o iisang karamdaman sa loob ng isang pook at sa kapareho o katulad na oras o kapanahunan.