Itinatakda ng International Astronomical Union (IAU), ang opisyal na siyentipikong sanggunian sa pagngangalan ng katawang pangkalawakan, na ang
planeta (o
tala) o
buntala (bungang-tala) ay isang katawan sa kalangitan na:
- (a) lumilibot sa mga bituin o mga tira ng bituin;
- (b) may sapat na bigat sa sarili niyang grabedad (balani) upang labanan ang lakas ng di-natitinag na katawan upang makabuo ng isang hugis na may hidrostatikong ekilibrio (halos bilog o espero);
- (c) hindi napakabigat upang magpasimula ito ng pagsasanib termonukleyar ng deuteryo sa ubod nito; at ,
- (d) hinawi nito ang paligid niya para sa kanyang libutan.