Ang laro ng pagdapa, na kilala sa Ingles bilang planking (mula sa salitang Ingles na plank, na may kahulugang piraso ng mahaba, manipis, at sapad na troso o tabla, kung kaya't may literal na kahulugang "pagiging tabla" o "paggaya sa troso") ay isang gawain kung saan dumadapa sa isang hindi pangkaraniwan o di angkop na lugar. Ang magkabilang kamay ay dapat tumatama sa tagiliran at ang pagkakaroon ng litrato ng kasapi habang ginagawa ito at ang paglalagay nito sa Internet ay mahalagang bahagi ng laro. Ang mga manlalaro ay naglalaban para sa pinakakakaiba at orihinal na tagpo kung saan gagawin ito. Ang bansag na planking ay tumutukoy sa imitasyon ng isang tabla ng kahoy. Ang katigasan ng katawan habang nasa posisyon na nararapat ay mahalagang mapanatili para maging magandang planking.