plasenta


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Inunan
Ang inunan o plasenta (mula sa salitang-ugat na unan) ay isang pansamantalang organong matatagpuan sa karamihan ng mga babaeng mamalya habang nasa panahon ng pagbubuntis. Mahalaga ang pagkakaroon ng isang panandaliang organong ito, sapagkat hindi maaaring maghalo ang dugo ng nanay at ng sanggol. Gumaganap ang inunan bilang isang kalatagang pampalitan sa pagitan ng ina at bata. Dumaraan dito ang mga sustansiya at oksiheno. Kapag naghalo ang mga dugo ng ina at ng sanggol, makakasanhi ito ng pagkamatay ng dalawa. Halimbawa, kung may uri ng dugong A ang ina, samantalang B naman ang bata, maghahalo ang dalawang magkaibang uri ng dugo, na siyang ikamamatay ng mag-ina. Nakakabit ang inunan sa suloy o supling (ang fetus) sa pamamagitan ng ugat ng pusod, isang bahagi ng katawan na binubuo ng mga tisyung pang-ugpong at mga ugat ng dugo. Kapag naipanganak na ang bata, sumusunod na iluwal naman ang inunan, at kalimitang tinatawag na pinagpanganakan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.