Ang
inunan o
plasenta (mula sa salitang-ugat na unan) ay isang pansamantalang
organong matatagpuan sa karamihan ng mga
babaeng mamalya habang nasa panahon ng
pagbubuntis. Mahalaga ang pagkakaroon ng isang panandaliang organong ito, sapagkat hindi maaaring maghalo ang
dugo ng
nanay at ng
sanggol. Gumaganap ang inunan bilang isang kalatagang pampalitan sa pagitan ng ina at bata. Dumaraan dito ang mga
sustansiya at
oksiheno. Kapag naghalo ang mga dugo ng ina at ng sanggol, makakasanhi ito ng pagkamatay ng dalawa. Halimbawa, kung may uri ng dugong A ang ina, samantalang B naman ang bata, maghahalo ang dalawang magkaibang uri ng dugo, na siyang ikamamatay ng mag-ina. Nakakabit ang inunan sa suloy o
supling (ang
fetus) sa pamamagitan ng ugat ng pusod, isang bahagi ng katawan na binubuo ng mga tisyung pang-ugpong at mga ugat ng dugo. Kapag naipanganak na ang bata, sumusunod na iluwal naman ang inunan, at kalimitang tinatawag na
pinagpanganakan.