Ang
Plesiosauria (; Sinaunang Griyego:
plesios na nangangahulugang 'malapit sa' at
sauros na nangangahulugang butiki) ay isang order ng panahong
Mesosoikong mga marinong reptilya. Ang mga Pleisiosauro ay unang lumitaw sa Simulang
Hurassiko(at posibleng Rhaetian na pinakahuling panahong
Triasiko) at naging lalaong karaniwan sa panahong
Hurassiko na yumabong hanggang sa pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene sa wakas ng panahong
Kretaseyoso. Ang pangalang "plesiosauro" ay ginagamit upang tukuyin ang order na Plesiosauria bilang kabuuan at hindi lang sa may mahahabang leeg na mga anyo(suborder
Plesiosauroidea). Ang mga huling ito ay bumubuo sa mga plesiosauro sa popular na imahinasyon("Nessie" o Halimaw ng Loch Ness, "Nahuelito").