Ang
plurina o
pluor (, Ingles:
fluorine, may sagisag na
F, atomikong bilang na 9, atomikong timbang na 18.9984, punto ng pagyeyelong (
FP) 62 °C, punto ng pagkulong 188.14 °C, espesipikong grabidad na 1.108 [sa anyong likido], at
balensyang 1) ay isang elementong
haloheno. Isa itong elementong may kulay na maputlang dilaw. Bilang lason, mabagsik ito, nakakaagnas at nasa anyo ng isang
gas. Ito ang pinaka-elektronegatibo at pinaka-reaktibo sa lahat ng mga elemento, at ginagamit na sangkap sa paggawa ng maraming uri ng mahahalagang mga
kompawnd. Natuklasan ito ni Ferdinand Frederick Henri Moissan noong 1886.