- Huwag itong ikalito sa platina at sa platinum.
Ang
plutonyo,
plutonyum, o
plutonium (,
Ingles:
plutonium,daglat o sagisag =
Pu) ay isang uri ng mala-
pilak na
elementong kimikal na may mga katangiang
metaliko, at pagka-trans-uranikong elemento. Nalilikha ito sa pamamagitan ng pagpapatama ng mga
partikulo sa mga
atomo ng
uranyo. Mayroon itong 15
isotopo na may
masang magula sa 232 magpahanggang 246, at may kalahating-buhay mula magmula 20 minuto magpahanggang 76 milyong taon. Delikadong tumama ito sa
utak ng buto ng katawan ng tao sapagkat itinuturing itong isang lasong radyolohiko. Ginagamit ito bilang isang panggatong ng reaktor na
nukleyar at maging isang sangkap para sa mga
sandatang nukleyar. Magkakapanahong natuklasan ang elementong ito nina G.T. Seaborg, A.C. Wahl, at J.W. Kennedy; ng pangkat nina Edwin M. McMillan at Philip Abelson ng Laboratoryo ng Radyasyon ng Berkeley sa Pamantasan ng California; at ng pangkat nina Egon Bretscher at Norman Feather sa Laboratoryong Cavendish ng Pamantasan ng Cambridge para sa proyetong Tube Alloys, noong
1940. Kabilang sa mga katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong bilang na 94, antas o degri ng pagkatunaw na 639
oC, antas o degri ng pagkulo 3,235
oC, at tiyak na kalubhaan (tiyak na dagsin o espesipikong grabedad) na 19.8.