Ang
pulmonya o
pamamaga ng baga (Ingles:
pneumonia), binabaybay ding
pulmunia o
pulmuniya,
baga o karamdaman ng baga at ng
sistemang respiratoryo. Ang baga ay naglalaman ng maraming maliliit na mga bulbo, mga bumbilya, o mga sako na tinatawag na mga
alveolus (isahan) o
alveoli (maramihan). Nakakatulong ito sa pag-alis ng
oksiheno mula sa
hangin. Sa kaso ng pulmonya, ang mga sako ay nagiging maga. Napupuno sila ng mga pluwido, at hindi makasipsip ng sapat na oksiheno, hindi katulad ng dati. Maaaring dulot ang pulmonya ng
bakterya,
birus,
punggus, o parasito. Maaari rin itong sanhi ng kimikal o pisikal na pinsalang nagawa sa mga baga. Maaari ring magresulta sa pulmonya ang ibang mga karamdaman, katulad ng pag-abuso sa
alak o
alkohol o
kanser sa baga. Ang mga taong may pulmonya ay karaniwang nahihirapan sa
paghinga. Maaari rin silang umuubo, o may nararamdamang
hapdi sa lugar ng
dibdib. Ang paglulunas ng pulmonya ay naaayon sa kung ano ang sanhi ng karamdaman. Kapag dulot ng bakterya, magagamit ang
antibiyotiko upang gamutin ito.