Ang
polímero ay isang karaniwang katagang ginagamit upang ipaliwanang ang isang napakahabang
molekula. Ang mahabang molekulang ito ay binibuo ng mga yunit estruktural at mga yunit na paulit-ulit na pinagdugtong-dugtong sa pamamagitan ng
kawing kimikal. Polimerisasyon ang tawag sa proseso ng pagbubuo ng mga yunit nito upang maging isang polímero. Ang mga yunit nito ay binubuo ng mga monómero na karaniwan ay maliliit na molekula na may mababang molekulang bigat.