Ang ekonomiyang pampulitika o ekonomiyang pulitikal ay ang orihinal na katagang ginamit para sa pag-aaral ng produksiyon, pagbili, at pagbebenta, at ng kanilang kaugnayan sa batas, kostumbre, at pamahalaan, pati na sa pagmumudmod ng pambansang kita at kabang-yaman. Ang ekonomiyang pampulitika ay nagmula sa pilosopiyang moral. Umunlad ito noong ika-18 daantaon bilang pag-aaral ng mga ekonomiya ng mga estadong tinatawag na mga polity, kung kaya nabuo ang katagang pang-ekonomiyang pampulitika o politikal.