Ang
pilosopiyang pampulitika ay ang pag-aaral ng mga paksang katulad ng
pulitika,
kalayaan,
katarungan,
pag-aari (ari-arian),
karapatan,
batas, at ang pagpapatupad ng mga kodigong pambatas na
may kapangyarihan: kung ano ang mga ito, kung bakit (o maging ang kung kailangan ba) ang mga ito, kung ano, kung anuman, ang bumubuo sa pagiging lehitimong pamahalaan, kung anong mga karapatan at mga kalayaan ang dapat nitong prutektahan at pangalagaan at kung bakit, kung anong porma o anyo ang dapat itong akuin at kung bakit, kung ano batas, at anu-anong mga gampanin o katungkulan ang dapat na gampanan o gawin ng mga mamamayan para sa isang tunay o taal na pamahalaan, kung mayroon man, at kung kailan dapat balibatin o alisin sa tungkulin ang isang pamahalaan, kung kinakailangan. Sa diwang bernakular, ang katagang "pilosopiyang pampulitika" ay kadalasang tumutukoy sa isang pangkalahatang pananaw, o tiyak na paniniwala o kaugaliang pang-etika o pampulitika, hinggil sa pulitika na hindi talaga nasa piling o hindi tunay na kabahagi ng teknikal na disiplina ng
pilosopiya.