Ang
polyester o
poliester (Ingles:
polyester, Kastila:
poliéster) ay isang uri ng resinang
sintetiko at isa sa mga hibla o pibrang gawa ng tao. Bilang hiblang sintetiko, ikinakalakal ito sa ilalim ng tatak o markang
Dacron,
Fortrel,
Kodel,
Vycron, at iba pa. Pangunahing ginagamit ang polyester para sa paggawa ng mga
lubid, mga
damit, mga
layag, mga tapete, at kurdon ng gomang gulong.