Ang
portero o
bantay sa pinto (Ingles:
doorman sa
Estados Unidos, o kaya
porter kung sa
Nagkakaisang Kaharian) ay isang taong nangangasiwa sa pintuan ng isang
hotel,
bahay, o iba pang
gusali. Isa itong indibiduwal na binabayaran upang magtrabahong tagapagbigay-galang at mga serbisyong pangseguridad sa isang gusaling tirahan o hotel. Partikular na karaniwan ang mga
porterong pangpinto o
porterong pampintuan sa matataas na mga gusaling pangluho at panglungsod. Sa isang gusaling residensyal, ang portero ang may pananagutan sa pagbubukas ng mga pintuan at pagsusuri ng mga mga panauhan at tinatanggap na mga padalang mga bagay, katulad ng mga sulat at mga kahong pangkoreo. Malimit siyang nagbibigay ng iba pang mga paglilingkod na pangkortesiya katulad ng paglagda para sa mga pakete o parsela, pagbubuhat ng mga
bagahe sa pagitan ng
asensor at ng kalye, o pagtawag ng taksi para sa mga nakatira sa gusali o para sa mga bisita. Sa
Lungsod ng Bagong York, mayroong
unyong panghanapbuhay ang mga portero at mga operador ng alsador. Huli silang nagsagawa ng pagwewelga noong 1991, at halos muntik nang hindi napigilan ang isa pa noong 2006.