Ang
potosintesis ay ang pamamaraang ginagamit ng mga halamang may kloropil sa kanilang mga
sihay o
selula. Dahil sa pamamaraang ito, nagagamit ng mga halaman ang enerhiya ng liwanag upang maging enerhiyang kemikal, na kinakailangan sa pagbuo ng mga kompawnd o mga kompuwestong hindi organiko. Isang halimbawa nito ang pagbuo ng karbohidrato mula sa
karbong dioksido at
tubig, na nasusundan ng pagpapakawala ng
oksiheno.