- Huwag ikalito sa sinaunang kasaysayan.
Ang katagang
bago ang kasaysayan o
prehistorya (Ingles:
pre-history o
prehistory, Kastila:
prehistoria,
Latin,
præ = bago ang;
Griyego, ιστορία =
kasaysayan) ay ang kasaysayan o
historya ng
sangkatauhan bago natutong makapagsulat ang mga
tao ng kasaysayan. Nilalarawan ng parirala o pamagat na ito ang kapanahunan bago ang
nakatalang kasaysayan. Natutuklasan lamang ito sa pamamagitan ng larangan ng
arkeolohiya. Orihinal na nilikha ni Paul Tournal ang
katagang Pranses na
pré-historique upang ilarawan ang mga natagpuan niya sa loob ng mga
kuweba ng katimugang Pransya. Naging gamitin ito sa
Pransya noong dekada ng 1830 upang ilarawan ang panahon bago ang
pagsusulat, at ang salitang
prehistoric o prehistoriko ay ipinakilala ni Daniel Wilson sa
Ingles noong 1851.<ref
name="Simpson"><ref
name="Wilson Scotland">