Ang
probabilidad (Ingles:
probability) o
kalamangang mangyari ay ordinaryong ginagamit upang ilarawan ang pag-aasal ng pag-iisip sa isang proposisyon na ang
katotohanan ay hindi tiyak. Ang proposisyon na inuusisa ay karaniwang nasa anyong "
Ang isa bang spesipikong pangyayari ay mangyayari?". Ang pag-aasal ng pag-iisip ay nasa anyong "
Gaano tayo katiyak na ang isang pangyayari ay mangyayari?". Ang katiyakan na kukunin ay maaaring ilarawan sa termino ng isang numerikal na sukat at ang bilang na sa pagitan ng 0 at 1 ang tinatawag nating probabilidad. Kung mas mataas ang probabilidad ng isang pangyayari, mas tiyak tayong makakasiguro na ang pangyayari ay mangyayari. Sa dahilang ito, ang probabidad sa nilalapat na kahulugan ang sukat ng "pagiging-malamang"(likelihood) na ang (randomang) pangyayari ay mangyayari.