Ang
CPU (mula sa Ingles:
central processing unit) ay tinaguriang utak ng isang
kompyuter, ang nagsasagawa ng mga utos ng mga program. Ito ay isang maliit na chip na nakalagay sa
motherboard. Pangkaraniwang ito ay napapaibabawan ng fan o heat sink upang maibsan ang pag-init. Ang dalawang malaking kumpanya na gumagawa ng mga processor ay ang Intel at AMD.