Ang
wikang pamprograma (
Ingles:
programming language) o
wikang pamprograma ay isang artipisyal na wika na ginagamit
pagpoprograma ng kompyuter at upang kontrolin ang kaugalian ng isang makina, lalo na ang isang kompyuter. Ito ay maihahalintulad sa
wika na ginagamit ng
tao na ginagamit upang makipag-usap sa kanyang kapwa tao. Ang mga wikang kinompayl(compiled) ay isinasalin ng kompayler sa isang
kodigo ng makina(machine code) at direktang isinasagawa ng
CPU. Ito ay salungat sa mga pinapakahulugang mga wika(interpreted) na hindi direktang isinasagawa ng mga interpreter. Maraming mga wikang pamprogram ay inimplementa gamit ang parehong mga kompayler at interpreter kabilang ang BASIC, C, Lisp, Pascal, at Python. Bagaman ang Java ay isinasalin sa isang anyo na nilalayong mapakahulugan, ang kompilasyong just-in-time ay kadalasang ginagamit upang lumikha ng kodigo ng makina. Ang mga wika ng Microsoft .NET Framework languages ay palaging nagkokompayl sa isang Common Intermediate Language (CIL) na kinokompayl naman na just-in-time sa isang katutubong kodigo ng makina. Ang mga implementasyong ito ay gumagamit rin ng kompayler na arbitraryong makapagsasalin ng kodigong pinagmulan(
source code) ng
runtime sa kodigo ng makina. Gaya ng wika ng isang tao, ang wikang pamprograma ay gumagamit ng tuntuning
semantika at
sintaks upang matiyak ang istruktura at kahulugan nito.