Sa
matematika, ang dalawang kantidad ay
proporsiyonal kung ang isa sa dalawang ito ay palaging produkto ng isa at isang
konstanteng kantidad na tinatawag na koepisyente ng proporsiyonalidad o "konstante ng proporsiyonalidad". Sa ibang salita, ang ay proporsiyonal kung ang
rasyo na ay
konstante. Maaari din nating sabihing ang isa sa mga kantidad ay proporsiyonal sa isa. Halimbawa, kung ang bilis ng isang obhekto ay konstante, ito ay naglalakbay sa distansiya na proporsiyonal sa
oras.