Ang
pananalitang tuluyan,
tuluyan, o
prosa ay ang pangkaraniwang anyo ng nasusulat o sinasalitang
wika. Hindi ito
patula, at hindi anumang natatanging anyo na katulad ng mga
talaan,
tala, o mga talahanayan. Sa
pagsusulat, wala itong natatanging
ritmo, at kahalintulad ng pang-araw-araw na
komunikasyon. Ito ang pinakamahalagang pagkakaiba ng tuluyan sa
panulaan, at sa mga akdang pangtanghalan na katulad ng mga
dula.