Ang mga
protina ay malalaking mga
molekula na yari sa maliliit na mga yunit na tinatawag na mga
asidong amino. Ginagamit ang mga ito sa paglago at pagkumpuni, gayon din ang pagpapatibay ng mga
buto. Tumutulong ito na gumawa ng mga tisyu at mga
sihay. Matatagpuan ito sa mga
hayop,
halaman,
halamang-singaw,
bakterya, at sa
katawan ng
tao din. Halimbawa, naglalaman ng napakaraming protina ang mga
kalamnan. Kumakain ang mga nagpapanatili ng katawan ng mga
pagkain na puno ng protina bilang isang madaling paraan na mapanatili o makakuha ng mataas na antas ng kalamnan na mas ligtas kaysa mag-esteroydes (
steroids). May mahalagang bahagi ang mga protina sa mga pagkain tulad ng
gatas itlog,
karne,
isda, mga
patani, at
nuwes. Kumakain ang mga hayop ng protina upang makakuha ng
enerhiya at mga asidong amino. Ginagamit ang mga asidong aminong ito upang gumawa ng bagong mga protina na gagamitin bilang mga
ensima (
enzymes), mga hormona (
hormones), o mga
antikuwerpo (
antibodies). Isang halimbawa ng mahabang-condensed na protina ay ang
Enaptin, na binubuo ng napakaraming
molekula ng carbon, hydrogen at oxygen.