Ang
protista (
Ingles:
protist ), ay pangkat ng magkakaibang mga
eukaryotikong mikroorganismo. Sa kasaysayan, tinuturing ang mga protista bilang kasapi ng
kahariang Protista subalit hindi na ito kinikilala sa makabagong
taksonomiya. Walang masyadong pagkakatulad ang mga protista maliban sa isang medyo payak na organisasyon - na maaaring uniselular sila o multiselular sila na walang natatanging
mga tisyu. Naiiba ang payak na pagkakaayos ng selular sa ibang eukaryote, katulad ng mga
halamang singaw,
hayop at
halaman.