Ang
proton ay isang bahagi ng isang
atomo. Natatagpuan sila sa nukleyus ng isang atomo kasama ng mga
neutron. Ipinapangkat ng
talahanayang peryodiko ang mga atomo ayon sa gaano kadaming mga proton ang mayroon sila. Ang nag-iisang atomo ng
hidroheno (ang pinakamagaan na uri ng atomo) ay binubuo ng isang
elektron na gumagalaw sa paikot sa isang proton. Karamihan sa
masa ng atomong ito nasa loob ng proton, na halos 2000 mga ulit na mas mabigat kaysa sa elektron. Ang mga proton at ang mga
neutron ang bumubuo sa nukleyus ng bawat isang iba pang uri ng atomo. Sa loob ng alin mang isang elemento, ang bilang ng mga proton ay palaging magkatulad. Ang atomikong bilang ng isang atomo ay katumbas ng bilang ng mga proton na nasa loob ng atomong iyan.