Ang
pruno (Ingles:
prune) ay ang pinatuyong bunga ng mga uri ng
sirwelas o
sinigwelas na parang isang napakalaking
pasas, subalit nasa saring Prunus. Anuman ito sa sari-saring uri ng
plam, karamihang
Prunus domesticus o Europeong plum (mas karaniwang tinatawag na
sugar plum o maasukal na plam). Kalimitan silang ipinagbibili bilang mga pinatuyong bunga, ngunt mayroon ding mga sariwang pruno na may bilohabang hugis at mas maginhawang maalis na
pit o buto. Magaspang ang tekstura ng tinuyong sirwelas, at may mas nangunguyang loob.