pterosauro


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pterosauro
Ang mga Pterosaur ( mula sa Griyegong πτερόσαυρος, pterosauros, na nangangahulugang "may pakpak na butiki") ang mga lumilipad na reptilya ng klado o order na Pterosauria. Ang mga ito ay umiral mula sa panahong Huling Triasiko hanggang sa wakas ng panahong Kretaseyoso mga 210 hanggang 65.5 milyong taon ang nakalilipas. . Ang mga Pterosauro ang mga pinakaunang mga bertebratang alam na nag-ebolb ng may enerhiyang paglipad. Ang mga pakpak na ito ay nabuo mula sa isang membrano ng balat, masel at iba pang mga tisyu na sumasakop mula sa mga hita hanggang sa isang humabang ikaapat na daliri. Ang mga simulang espesye nito ay may mahaba, buong may mga ngiping pangat at mahahabang mga buntot samantalang angmga kalaunang anyo ay may mataas na nabawasang buntot at ang ilan ay walang mga ngipin. Marami ay mayroong mabalahibong kapote na gawa na isang tulad ng buhok na mga pilamentong pycnofibres na tumakip ng mga katawan nito at mga bahagi ng pakpak. Ang mga Pterosauro ay sumaklaw sa isang malawak na uri ng mga sukat ng matatanda nito mula sa napakaliit na Nemicolopterus hanggang sa pinakamalalaking na lahat ng panahon na kinabibilangan ng Quetzalcoatlus at Hatzegopteryx.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.